Hanapan ang Blog na Ito

Linggo, Marso 15, 2015

N..I..K.Y



Ang tanong na ito'y madalas kong madatnan,

Sa aking isipa'y, ang sagot ay di madatnan,

Ang tanong ay kung bakit ang ating bayan

Ay isa nang bayang pinanawan na ng mga makabayan.


Ang baya'y isa raw Perlas sa Silangan,

Bayang sa labis na pagkamarikit, ay nahalina ang dayuhan,

Na sa matatamis na dila't pwersang di-padaraig ay tayo'y napailaliman,

Ng Leon, ng Agila, ng Pasikat na Araw ng Silangan.


'Tong tatlong ito'y labis sa atin kung makadikit,

Na sa napakatagal na panahon ng panggagago, pang-aalipusta't pangmamaliit,

Ay bumangon tayong muli at naghilom ang mga sugat,

Mula sa kalmot ng Leon, sa kuko ng Agila, at sa lapnos ng Araw.


Ngunit sa kabila ng sigaw ng kapayapaan at sa pangako nitong bagong-buhay

Na mas labis pa sa ecstasy ang epekto sa isipan yy lumaya na nga ba ang bawat isa sa atin?

Kung hindi'y ano itong ating bayan?

At kung oo'y, bakit ang pagmamahal sa baya'y patay?


Ngunit itong lahat nang ito'y imahinasyon ko lang pala,

Tayo pala'y hindi pa malaya 'pagkat sa Agila pa rin tayo nakaasa,

Marami pa rin palang makabayan hindi lang natin sila nakikita,

Pagkat sila lamang ay tahimik, tahimik sa isang tabi...sa dilim...sa ilalim...kung saan ang lahat ng nangabulok ay kasama nila.


Ngunit sa kanila'y may hindi nasama ang dahilan ng kasiklam-suklam nilang kalagayan,

Isang bagay na kahit anong gawin ay hindi mailagay sa dapat na kalagyan,

Karamihan ay dito na nakadikit ang kabuhayan na lumalapastangan sa ating bayan,

Sistema! Sistemang Bulok! Sistemang Di-Makabayan!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento