Mula sa: magandafilipino.com |
Mula kay: G. Emil Yap |
Ikinagulat ng marami ang ginawang hakbang ni Senador Loren Legarda nang kanyang iminungkahi sa Senado ang Senate Bill No. 2440 na tumutukoy sa pagkilala sa Baybayin (ang katutubong paraan ng pagsulat ng mga Pilipino) bilang ang ating Pambansang Paraan ng Pagsulat. Kapag ito'y naipasa, ang NCCA (National Commission for Culture and the Arts) ay ipapalaganap, pananatilihin at poprotektahan ito. Kaugnay ng senate bill na ito ay ang Senate Bill No. 1899 na humihikayat sa mga ahensya ng pamahalaan upang maglagay ng Baybayin sa kanilang mga selyo, logo, atbp. Ang ginawa na ito ni Senador Legarda ay isang gawing talagang kapita-pitaganan na nagpapakita lamang ng kanyang marubdob na hangaring mapaunlad at maipalaganap ang ating kultura at kasaysayan. Ngunit para sa akin, kahit na labis ang aking pagmamahal sa bayan, hindi pa napapanahon ang ganitong hakbang. Marami pa kasing mga nasimulan na hakbangin ang ngayo'y "nakatengga" lang at iba pang problema na kailangang pagtuunan ng pansin.
Manuel Quezon Mula sa: malacanan.gov.ph |
Pangalawa, kung hindi nga natin magamit-gamit ang ating wikang pambansa, paano natin gagamitin ang ating Baybayin kung ito ay epektibo lamang sa wikang Filipino? Isipin ninyo ang Department of Health ay maglalagay ng Baybayin sa logo nila. Hindi ba't nakakalito kung ang Ingles pa rin ang kanilang pangalan sapagkat hindi magkatugma ang kultura? Kagaya ng mga ahensya nating nangangalaga ng ating kultura at kasaysayan na may Baybayin nga sa "emblem" eh Ingles naman ang pangalan. Buti na lamang at napaiba ang Komisyon sa Wikang Filipino.
Pangatlo at ang pinakamalungkot, iba na ang tingin ng kasalukuyang henerasyon sa ating kultura at kasaysayan. Karamihan sa kabataan ngayo'y maliit na ang tingin sa ating bayan bunsod ng kaliwa't kanang problemang ating kinakaharap at kolonyal na edukasyon. Mas nakatuon kasi ang sistema ng ating edukasyon sa pagpapataas ng ating kompitensiya sa larangan ng pagsulat, pagsasalita, at pag-intindi sa wikang Ingles. Na para bang nasa wikang ito nakabatay ang kaunlaran ng isang tao. Anu nang nangyari sa Filipino at Kasaysayan ng Pilipinas? Ayun gusto nang tanggalin.
Mula sa Tanggol Wika Facebook Page |
Wala namang masama sa bill na ito ang problema lang ay mayroon pang dapat na mga hakbang bago ito maisakatuparan. Paano kung naipasa nga ito at naipatupad? Sino kaya ang magpapanatili nito kung ang mga kabataan ng henerasyon na ito ay hindi nais ang ganitong hakbangin? Gagawa na naman ba tayo ng isa pang hakbang na kapos? Huwag na! Ang mas mabuti pa'y ihanda natin ang kabataan upang maging mga mabuti at tapat na "anak ng bayan" sa pamamagitan ng isang "makabayang sistema ng edukasyon." Sa ganitong paraan hindi na natin kakailanganin ng mga batas na pangkultura 'pagkat sila na mismo ang gagawa ng mga bagay na ikabubuti ng ating bayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento